PHILIPPINES DATE/DAY/TIME: August 24, 2008/Sunday/9:14 pm
Ang buhay, komplikado ba talaga? Ewan ko ha, pero sa tingin ko naging komplikado lang dahil pinakomplikado natin... Isipin mo, kung ang buhay ngayon ay tulad dati?--simple lang, 'di tayo maghahangad ng magarbong tahanan, kotse, gadgets at kung ano-ano pa.. dahil na din sa mga tao sa paligid natin nagiging napakahirap dahil naaapektuhan tayo,,. biruin mo, kung ang mga tao halos ganito ang ginagawa, dito nagpupunta, sa ganito kumakain, ito ang sinusuot at tingin mo parang ang saya nila.. hindi ba at hahangarin mo din 'yon? pero sa bandang huli ikaw din ang talo.. dahil sa bandang huli ang mas masaya pa rin ay yung nandon sa simpleng mga bagay, mga pagkakataon, mga pangyayari, mga gawain, at iba pa.. Hayy,, (i'm hearing the commercial ad about "makulay ang buhay sa sinabawang gulay"-- such a cheerful ad... kasi mga bata e.. hay.. sarap lang maging bata..PERO, napapansin ko din, kahit ang mga bata parang hirap na din sa buhay, yung iba sila ang kumakayod para sa pamilya. Ang iba naman, hindi na mukhang bata sa sobrang kahirapan, ang iba spoiled, iyak dito iyak don.. hayy...) ano na ba ang nangyayari...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment